An Open Letter to Asiong Salonga
Kagalanggalang (?) na Pangulo, Mahigit na dalawang taon kang nasa puwesto, Wala kang nagawang matino! Pinatunayan mo pagiging Sanggano! Naghihinagpis ang Bayan Ko! Nabighani pagiging artista mo, Masang Pilipino, ika'y ibinoto Di nila alam ang pagkakaiba, Totoong buhay sa pelikula! Pasumpa-sumpa ka pa, Ala namang kakuwenta kuwenta! Nakakapanindig-balahibo Salita mo'y pawang di totoo Walang Kamag-Anak, Walang Kaibigan! Celia De Castro at Textbook Scam! Di raw kaanu-ano pero umiskapo Naging Yaya ng Baby ni JV kay Patty sa EU! Libingan ng mga bayani para kay Macoy Malaking insulto sa mga Pinoy! BW Scandal at Dante Tan Yasay pinilit mag-resign Stanley Ho at Casino Edgar Bentain biglang naglaho! Natigil ang bunganga ni Morato! Atong Ang at Lucio Tan Mga Tsekwang kaibigan Tunay na walang iwanan Motto ng mga Kawatan! Isa, dalawa, tatlo! Mga kabit mo ay nasabit Sa exposes ni Chavit! Anak ng Jueteng talaga,Oo! Boracay at iba pang Mansiyon Saan galing ang datung? Singkwenta y uno isang dolyar ang inabot ng Piso Saan na patungo ang Bayan ko? Kawawa naman ang Piso At naghihingalo na ito Namudmud ng lupa kuno si Johnnie Walker Blue Para muling bumango sa mga Tao Ngunit ano mang pabango ang gamitin mo Lilitaw at lilitaw pa rin ang baho mo! Para sa ikabubuti ng Bayan Ang aking maipapayo Hindi Impeachment,Referendum o Snap election Kundi RESIGNATION ang kailangan Bago ka pulutin sa kangkungan! Gumagalang, Joseph "Ebak" Estrada Chairman Taumbayan Against Erap Movement (TAE MO!) |